Tinanggal na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspension ng operasyon ng Small Town Lottery (STL) sa bansa.
Ito mismo ang kinumpirma ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma subalit may mga kondisyon itong itinakda.
Ilan sa mga rito ay ang dapat mag-deposit ang mga Authorized Agent Corporations (AACs) sa PCSO ng cash bond na katumbas ng tatlong buwan share ng PCSO sa Guaranteed Minimum Monthly Retail Receipts (GMMRR) bukod pa sa kanilang existing cash bonds.
Sakaling mabigo ang mga AAC na mai-remit ang kanilang GMRR sa kasagsagan ng kanilang operasyon ay otomatikong ma-forteit ang kanilang naidepositong cash bond.
Lahat din ng mga AAC ay may pipirmahang undertakings na nagsasaad ng kanilang obligasyon sa STL agency agreement at sakaling may nilabag ay agad itong i-terminate ng PCSO.
Magugunitang nitong nakalipas na Hulyo ay sinuspendi ng Pangulong Duterte ang operasyon ng STL dahil sa alegasyon ng laganap na kurapsyon.
Habang ang lotto operations ay naunang ibinalik ng Pangulo.
Narito pa ang official statement ni GM Garma:
“One, the AACs shall deposit the PCSO a cash bond equivalent to three months of the PCSO’s share in the guaranteed monthly retail receipts on top of their existing cash bonds.”
“Second condition, upon failure to timely and fully remit their GMMRR during the duration of operations, the AAC’s cash bond equivalent to three months of the PCSO’s share in the GMMRR shall be automatically forfeited in favor of PCSO, without prejudice to the other remedies that may be exercised by the government.”
“Third condition, each AAC shall execute a written undertaking that it shall comply with its obligations under the STL agency agreement and will not institute any claims, monetary or otherwise against the government and or apply for a temporary restraining order or injunction from any court to prevent the government from exercising its rights and prerogatives.”
“And fourth condition, the STL agency agreement shall automatically be terminated upon violation of the conditions of their franchise and or any of the above conditions without prejudice to the other remedies that may be exercised by the government.
“The foregoing conditions shall be applied to other AACs that may be allowed to resume operations.”