-- Advertisements --

STL operation sa La Union, babalik ngayong arawA UNION – Babalik ngayong araw ng Huwebes, Oktubre uno, ang operasyon ng Small Town Lottery (STL) sa lalawigan ng La Union.

Kinumpirma ito ni Danny Avecilla, presidente ng 1st La Union leisure entertainment and gaming corporation at sagot na rin sa mga katanungan kung kailan babalik ang STL operation.

Iginiit ni Avecilla na nakumpleto nila lahat ang mga hininging requirements ng PCSO para maipagtuloy na ang operasyon kasabay ng mahigpit na pagtupad sa mga health protocols para maiwasan ang paglaganap ng COVID 19, gaya ng pagsusuot ng face mask, face shield, at pagdadala ng alcohol.

Lahat na mga lugar sa La Union na may operasyon bago inihinto dahil sa COVID pandemic, ay babalik na sa operasyon ngayong araw.

Ani Avecilla, ang 1st draw ay gagawin sa oras na alas 10:30 ng umaga, 2nd draw alas 3:00 ng hapon, at ang 3rd draw ay alas 7:00 ng gabi.

Aminado si Avecilla na makakatulong ang pagbabalik operasyon ng STL para magkaroon muli ng pagkakakitaan ang mga kabo at may maire-remit na pondo sa gobyerno.

Sinasabing malaki na ang lugi ng PCSO dahil sa halos anim na buwan na pagkahinto sa mga minamandong laro o sugal na kinabibilangan ng Small Town Lottery.