Bombo Iloilo – Sto Niño Fluvial Procession at Solemn Foot Procession sa Dinagyang Festival 2023, pinangunahan ng Bombo Radyo Iloilo
Pinangunahan ng Bombo Radyo Iloilo ang isinagawang Sto. Niño fluvial procession at solemn foot procession ng Señor Sto. Niño de Cebu.
Ngayong hapon, ang Sto. Niño fluvial procession ay nagsimula sa Muelle Loney na sinundan naman ng solemn foot procession.
Ito ay dinaluhan ng lib-libong mga deboto na nag-abang sa tabi ng daan.
Dala-dala rin ng mga deboto ang imahe ng Señor Sto. Niño at ipinarada sa mga pangunahing kalsada sa lungsod
Tumagal ng halos isang oras ang procession at ibinalik ang imahe ng Sto Niño de Cebu sa San Jose Placer Parish Church.
Samantala, inaabangan na ang Kasadyahan sa Kabanwahanan bukas na lalahukan ng walong mga tribu mula sa iba’t-ibang bahagi ng rehiyon.
Bukas ng gabi, sabay na gaganapin ang religious sadsad at ang Dinagyang Ilomination.
Kasabay ng Kasadyahan sa Kabanwahanan at Dinagyang Ilomination, may ipapatupad na modified signal jamming.
Walang signal sa mga venue ng nasabing mga events mula alas-sais ng umaga hanggang alas-dos ng hapon at mula alas-sais ng gabi hanggang alas-nueve ng gabi.
Sa Linggo naman, ang modified signal jamming ay ipapatupad simula alas-sais ng umaga hanggang alas-dos ng hapon kasabay ng Dinagyang sa barangay tribes competition.