-- Advertisements --
BAGUIO CITY- Posibleng mabuksan na sa Mayo 18 ang Sto. Niño Hospital sa Baguio City na gagamitin bilang isolation facility para sa COVID-19.
Aminado si Dr. Rowena Galpo, City Health Services Officer ng Baguio na naantala ang pagbubukas ng pasilidad.
Ipinaliwanag niyang may ilang minor requirements at supplies na kailangang ihanda sa pagbubukas ng pasilidad.
Gayunpaman, sinabi ni Galpo na naihanda na ang pasilidad at ang mga staff na magtatrabaho dito.
Idinagdag ng opisyal na kapag tuluyan nang nabuksan ang Sto. Niño Hospital ay dito isasailalim sa isolation ang mga pasyente ng COVID 19 dito sa Baguio City at mula sa ibang lugar.