-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Nagsimula nang tumanggap ng pasyente ang Baguio City Critical Care Center o ang Sto. Niño Hospital para sa sakit na COVID-19.
Ayon kay Dr. Celia Flor Brilliantes, Assistant City Health Services Officer ng Baguio, tatanggapin sa pagamutan ang mga hinihinalang nadapuan ng COVID-19 kabilang ang mga assymptomatic at ang mga may magagaang sintomas.
Inihayag niyang mayroong 47 bed capacity ang pagamutan para sa confinement ng mga suspected COVID 19 patients.
Isa ang Sto. Nino Hospital sa mga nagsisilbing isolation facilities sa Baguio City para sa COVID-19 pagkatapos itong mabigyan ng akreditasyon mula sa Department of Health.