Bumaba ang stocks ng bigas sa Pilipinas noong Disyembre ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Ayon sa bureau, ang imbentaryo ng bigas sa bansa ay nasa 1.9 metrikong tonelada base sa datos noong Disyembre 1, 2023.
Ang naturang bilang ay 25.2% na mas mababa kumpara sa 2.53 million meterikong tonelada na naitala noong Dec. 2022.
Bumaba din ang stocks ng bigas sa lahat ng sektor sa bansa. Sa depositories o imbakan ng National Food Authority, bumaba ang stocks sa 54.4% habang sa household sector, bumaba ang stocks ng 33.2% at sa commercial sector naman, bumaba ang stocks ng 8.7%.
Una rito, sa pagtaya ng United States Department of Agriculture (USDA) ang Pilipinas pa rin ang mananatiling numero unong rice importer ngayong taon kung saan nasa 3.8 million metric tons ng bigas ngayong taon ang inaasahang aangkatin ng bansa, lagpas ito sa P3.22 million metrikong tonelada na nakolekta noong 2023.