-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang store manager sa pamamaril sa Cotabato City.

Nakilala ang biktima na si Glenda Ardonio,39 anyos,Manager ng Infinitea at residente ng Barangay Rosary Heights 7 Cotabato City.

Ayon kay Cotabato City Police Station 2 Commander,Captain Rustom Pastolero papasok na sana ang biktima sa tindahan ng itoy pagbabarilin ng hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo.

Tinamaan rin ng mga ligaw na bala ang isang 12 anyos na bata sa magkabilang parte ng kanyang binti.

Ang mga sugatan ay agad dinala sa pagamutan ngunit binawian ng buhay si Ardonio habang nasa ligtas ng kalagayan ang bata.

Sa ngayon ay blangko pa ang mga otoridad sa motibo sa pamamaslang sa biktima at patuloy pa silang nag-iimbestiga.