Sa pinakahuling ulat ng state weather bureau na inilabas 5 ng hapon, patuloy na lumalakas ang tropical storm na si Aghon, at itinaas na ang Signal No. 3 sa silangang bahagi ng lalawigan ng Quezon.
Ayon sa weathe bureau, umabot na sa 95 kilometers per hour ang maximum sustained winds ni Aghon at may pagbugso pa ng hangin na umaabot hanggang 130kph.
Ang mga bayan ng Infanta, Real, Mauban kasama ang Polillo Islands ay nasa ilalim ng Tropical Cyclone Signal No. 3 at inaasahang mararanasan ang mga hangin na may lakas ng bagyo na umaabot mula 89 kilometers per hour hanggang 117 kph.
Samantala nananatiling naka-signal no. 2 ang Aurora, northern at central portions ng Quezon (Alabat, Perez, Quezon, Gumaca, Lopez, Macalelon, General Luna, Unisan, Pitogo, Plaridel, Agdangan, Padre Burgos, Atimonan, General Nakar, Sampaloc, Pagbilao, Calauag, Lucban, City of Tayabas, Lucena City, Tiaong, Candelaria, Sariaya, Dolores, San Antonio, Jomalig), Laguna, eastern portion ng Batangas (City of Tanauan, San Jose, Lipa City, Mataasnakahoy, Balete, Malvar, Santo Tomas, Cuenca, San Pascual, Batangas City, Ibaan, Padre Garcia, Rosario, San Juan, Taysan, Lobo), eastern at central portions ng Rizal (Jala-Jala, Pililla, Tanay, Cardona, Binangonan, Morong, Baras, Rodriguez, City of Antipolo, Teresa), and the northern portion of Camarines Norte (Santa Elena, Capalonga).
Signal no. 1 naman sa eastern portion ng Isabela (Divilacan, San Mariano, San Guillermo, Jones, Echague, San Agustin, Ilagan City, Benito Soliven, City of Cauayan, Maconacon, Angadanan, Naguilian, Palanan, Dinapigue), sa eastern portion ng Quirino (Maddela, Nagtipunan, Aglipay), southern portion ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda, Dupax del Sur, Dupax del Norte), eastern at southern portions ng Nueva Ecija (General Tinio, Gabaldon, Bongabon, Pantabangan, Rizal, General Mamerto Natividad, Laur, Palayan City, Peñaranda, San Leonardo, City of Gapan, Cabanatuan City, Santa Rosa, San Isidro, Cabiao, San Antonio, Jaen, Zaragoza, Aliaga, Talavera, Llanera), southern portion ng Bataan (Orani, Samal, City of Balanga, Abucay, Pilar, Orion, Limay, Mariveles, Bagac), eastern portion ng Pampanga (Candaba, San Luis, San Simon, Apalit, Santa Ana, Arayat, Mexico, Santa Rita, Guagua, Sasmuan, Macabebe, Masantol, Santo Tomas, Minalin, City of San Fernando, Bacolor, Lubao), Bulacan, Metro Manila, mga natitirang bahagi ng Quezon, natitirang bahagi ng Rizal, natitirang bahagi ng Batangas, northern at central portions ng Oriental Mindoro (Pinamalayan, Pola, Naujan, Victoria, Socorro, City of Calapan, Bansud, Gloria, Baco, San Teodoro, Puerto Galera, Bongabong), Marinduque, extreme northern portion ng Romblon (Concepcion, Corcuera, Banton), at natitirang bahagi ng Camarines Norte, at Camarines Sur.
Ang sentro ng bagyong Aghon ay huling namataan sa baybaying tubig ng Mauban, Quezon, na unti-unting kumikilos patungong hilagang-silangan na direksyon.