-- Advertisements --

Tuluyan nang tinanggal ng Pagasa ang lahat ng tropical cyclone wind signals dahil sa paglayo sa lupa ng bagyong Jenny.

Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 305 km kanluran hilagang kanluran ng Dagupan City, Pangasinan o 290 km kanluran ng Sinait, Ilocos Sur.

May taglay itong lakas ng hangin na 65 kph at may pagbugsong 80 kph.

Kumikilos ang bagyo nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 40 kph.

Inaasahang mamaya ay makakalabas na ito ng Philippine area of responsibility (PAR).