-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY -Nagbahagi ng kuwento sa Bombo Radyo GenSan ang isang overseas Filipino Worker(OFW) sa kanyang ka-lunos-lunos na karanasan sa pag-uwi sa GenSan mula sa Metro Manila.

Ayon kay Jennifer Cabañero, isang seaferer ng cruiseline at residente ng Aradaza St. Brgy. Lagao nitong lungsod, mula sa kanilang pagdating sa GenSan ay pinaghintay pa sila ng limang oras bago naihatid sa isang quarantine facility.

Ikinabahala nito na nakaalis siya at iba pang 18 na OFW na taga GenSan sa airport na hindi man lamang nakunan ng vital signs, swab o rapid test.

Dagdag nito, sa mismong araw pa ng kanilang pagdating sa lungsod naghanap ang taga LGU GenSan ng quarantine facility para sa kanila kaya inabot sila ng alas 3:00 ng madaling araw mula sa pagdating nila sa lungsod ng alas 10:30 ng gabi.

Dismayado din ito dahil kinailangan pa nitong tumawag sa mga kakilala upang mag-abot sa kanya ng pagkain at tubig dahil walang ibingay sa kanila na pagkain nang nasa isang inn na sila.

Napuna rin nito ang kulang na kahandaan ng LGU-GenSan dahil sa elf truck sila sumakay kayat nagsisiksikan hindi tulad ng ibang LGU na ambulansiya at bus ang gigamit sa pagsalubong sa kanilang kababayan.

Ayon kay Cabañero, dalawang buwan siyang stranded sa Metro Manila at sumailalim na doon sa 14 days quarantine sa isang hotel kasama ang ilan sa mahigit 24,000 OFWs na stranded sa NAIA.

Nabatid na sasailaim muli sa 14 days quarantine ang mga umuwing OFW sa GenSan.