CAGAYAN DE ORO CITY – Nilinaw ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA-10( na makakatanggap ng one-time bigtime cash assistance ang lahat ng mga overseas Filipino workers (OFWs) lalo na ang mga na-stranded sa Ninoy Aquino International Airport noong Pebrero 2 at sa mga may naka-scheduled flight hanggang Pebrero 16.
Sinabi ni Eugene Mesias, assistance regional director ng ahensiya, na hindi pa nila ang alam ang eksaktong bilang ng mga OFWs na makakatanggap ng cash assistance dahil hinihintay pa nila ang listahan ng mga stranded passenger mula sa Northern Mindanao.
Aniya, naglaan ang gobyerno ng tig P10,000 para sa stranded OFWs nakatakda sanang mag-resume ng kanilang trabaho sa Taiwan subalit hindi muna matutuloy dahil sa implementasyon ng travel ban sa lahat ng administrative district ng China, bunsod ng coronavirus disease (COVID-19) outbreak.
Naniniwala si Mesias na malaking tulong ang perang matatangap ng OFWs lalo na’t magbubukas rin ang OWWA ng livelihood seminars workshop upang sa halip na magtrabaho sila sa ibang bansa ay sila na mismo ang mag manage ng kanilang sariling negosyo.