-- Advertisements --

Binuksan ng Peru ang sikat nilang tourist destination na Machu Picchu para sa isang turistang Hapon.

Nakatakda sanang bumisita pa noong Marso si Jesse Katayama subalit ito ay isinara dahil sa coronavirus pandemic.

Dahil dito ay na-stranded siya ng ilang araw sa Peru.

Ayon kay Culture Minister Alejandro Neyra, nakipag-ugnayan sa kanila si Katayama na masilip at personal na mapasyalan ang Inca citadel isa sa sikat na tourist attaction ng Peru.

Kasama nitong pumasok sa nasabing tourist attraction ang namumuno sa park at sila ay umikot sa nasabing lugar.

Pumapalo na kasi sa halos 850,000 ang kaso ng COVID-19 sa Peru kung saan mahigit 33,000 na ang nasawi.