-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagdulot ng takot sa mga residente ng Pikit Cotabato nang magpaputok ang mga armadong kalalakihan dakong alas 6:55 nitong gabi ng Biyernes.

Ayon sa ulat ng pulis walang habas na nagpaputok ang mga suspek sa Sitio Mahad Mindanao sa gilid ng SWC Office Brgy FortPikit sa Pikit Cotabato gamit ang mga matataas na uri ng armas.

Target ng mga suspek sa pagpapaputok ang tahanan ni Datu Naot.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek lulan sa kanilang sasakyan nang matunugan nito ang paparating na mga pulis at sundalo.

Ngunit pagsapit ng mga armado sa national highway sa Brgy Inug-ug Pikit ay muli itong nagpaputok ng kanilang mga baril.

Wala namang nasugatan sa pagpapaputok ng mga suspek ngunit nagdulot ito ng takot sa mga sibilyan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pikit PNP sa pamumuno ni Captain Mautin Pangandigan sa naturang pangyayari.