-- Advertisements --

Inihayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na mas ligtas at mas secured ang nagdaang selebrasyon ng Christmas at New Year dahil sa pagbaba ng kaso ng ligaw na bala sa 50% sa Metro Manila kung ikukumpara noong 2023.

Ayon pa sa NCRPO, ang firecracker-related injuries ay bumagsak din sa 28%. Kaugnay nito, nakapagtala din ang NCRPO ng pagtaas na 1,386% sa mga nakumpiskang ilegal na paputok kung ikukumpara noong 2023.

Ayon kay Acting Regional Director PBGen Anthony Aberin, ang resultang ito ay nagpapakita ng matagumpay na enforcement strategies at aktibong koordinasyon ng pulisya sa mga komunidad.

Nananawagan ang NCRPO sa publiko na patuloy na makipagtulongan para sa mas ligtas na Meto Manila.