ILOILO CITY – Ipapadala sa Philippine National Police (PNP) National headquarters sa Camp Crame ang stray bullet na nakita sa Sta. Barbara, Iloilo kasunod ng New Year’s Eve celebration.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Major Raymund Celoso, hepe ng Sta. Barbara Municipal Police Station, sinabi nito na kung pagbabasehan ang slug, hindi nagmula sa itaas ang trajectory nito.
Ayon kay Celoso, posibleng naiwan lang o may nagpaputok sa lugar.
Una nito, Enero 1 ng hapon ng makita ang slug ng 9mm caliber pistol malapit sa Lanag Elementary School.
Aniya, upang mas mapadali ang pagtukoy sa responsable sa pagpaputok ng armas, ipapadala ito sa crime laboratory ng PNP national headquarters.
Napag-alaman na tatlo ang stray bullet incident sa Iloilo kung saan ang una ay nakitala sa Ajuy, Iloilo, ang ikalawa ay sa Pavia, Iloilo at ang pinakahuli ay sa bayan ng Sta. Barbara, Iloilo.