Hihigpitan pa ng pamahalaang lokal ng Taguig ang kanilang health protocols ngayong holiday season.
Layon nito para maiwasan ang pagtaas ng COVID-19 cases sa pagpasok ng bagong taon.
Ayon kay Mayor Lino Cayetano, ang pagpapatupad ng istriktong health protocols, ang Taguig kasi ang may pinakamababang kaso ng COVID-19 infection sa buong Metro Manila.
Sinabi ni Cayetano, as of December 15 nakapagtala ang siyudad ng limang active cases per 100,000 population kumpara sa 22 cases per 100,000 population sa buong Metro Manila.
Sinabi ng alkalde na ang 46 active cases na naitala nuong December 16 ay pinakamababa pa rin sa buong National Capital Region.
Sa ngayon nasa 10,226 ang kabuuang COVID-19 cases na naitala ng nasabing siyudad.
Binigyang-diin ng alkalde na sa nasabing bilang ng COVID cases 98 percent ang nakarekober sa nakamamatay na virus.
“So far, 122 have died of Covid-19 in the city, with a case fatality rate of 1.9 percent. This is far less than the 2.90 percent case fatality rate of Metro Manila,” pahayag pa ni Cayetano.
Ipinagmalaki naman ng Taguig LGU na nasa tamang direksiyon sila sa pag-curb sa nakamamatay na virus.
Siniguro din ni Cayetano na mananagot ang mga business establishments na lalabag sa health protocols.
Ayon sa alkalde habang mababa ang kaso, patuloy naman ang pagbubukas ng mga negosyo sa siyudad pero kanilang sisiguraduhin na hindi magpapabaya ang pamahalaang lokal lalo na ngayong Christmas and holiday season.
“So kung gusto ho natin na magtuloy-tuloy na magbukas ho tayo, dahan-dahang bumalik sa normal na buhay, kailangan maging maingat tayo,” wika ni Cayetano.
Hinimok ng alkalde ang kaniyang mga constituents na sumailalim sa swab test, dahil lahat ng testing sa siyudad ay libre.
Sa ngayon nasa 89,2298 PCR tests na ang naisagawa ng siyudad kung saan nasa 598 tests per day ang average na kaya nilang i-accomodate.