Nagbabala ang Department of Transportation (DOTr) sa lahat airline operator na mapapatunayang hindi ginamit ng tama ang kanilang slot sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa DOTr, nagkasundo ang mga opisyal ng iba’t-ibang aviation agencies na patawan ng mas mahigpit na parusa ang mapapatunayang pasaway na airline operators.
Kabilang sa mga lumagda sa Joint Memorandum Circular No. 2019-01 sina Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal, Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General Jim Sydiongco, at Civil Aeronautics Board (CAB) Executive Director Carmelo Arcilla.
Sa ilalim ng kasunduan, target ng mga opisyal na ma-decongest o mabawasan ang siksikan sa NAIA na pangunahin at pinaka-malaking paliparan sa bansa.
Nakasaad dito ang pagsuri ng Timeslot Committee sa resulta ng monitoring ng mga coordinator sa performance ng airline companies.
Kapag napatunayan ng coordinators na sinadyang hindi gamitin ng airline companies ang slots na binigay sa kanila ng NAIA ay maaarin bawiin o i-suspend ng mga opisyal ang slot allocations ng mga kompanya.
“If an airline, despite being sanctioned, continues to misuse or inefficiently use timeslots, the TC shall have the authority to recall slot approval and suspend or cancel slot allocations of the erring airline.â€