-- Advertisements --

Nasa Dubai na ang Strong Group Athletics ng bansa para sa paglahok nila ng 33rd Dubai International Basketball Championships.

Sa social media account ni coach Charles Tiu ay nagpost ito ng larawan ng koponan.

Humingi ng suporta sa mga Filipino na nasa Dubai para sa unang laban nila nitong Biyernes.

Ang nasabing koponan ay pinangungunahan nina dating NBA players na sina Dwight Howard, Andray Blatche at mga locals na sina Kevin Quiambao, Francis Escandor, Justine Baltazar, JD Cagulangan, Jordan Heading at iba pa.