-- Advertisements --

Nananatiling wala pang talo ang Strong Group Athletics- Philippines sa nagpapatuloy na 43rd William Jones Cup.

Nitong Miyerkules ay tinambakan nila ang Malaysia 89-54 para makuha ang apat na sunod na panalo at wala pang talo.

Nanguna sa panalo si Chris McCullough na nagtala ng 16 points, limang rebounds, isang assist at isang steal habang mayroong 14 points, 10 rebounds, tatlong assists, dalawang blocks at isang steal si Rhenz Abando.

Nag-ambag naman ng 12 points, pitong rebounds si Tajuan Ajee, 11 points naman si Ange Kouame, 10 points naman si Derrick Fenner at mayroong siyam na puntos at 12 assists si RJ Abarrientos.

Susunod na makakaharap ng Piliipnas ang Future Sports USA sa laro na gagananpin sa araw ng Huwebes dakong ala-1 ng hapon sa torneo na ginaganap sa Taiwan.