-- Advertisements --

Wala pa ring talo ang Strong Group Athletics na may 3-0 record sa kanilang kampanya sa nagpapatuloy na 33rd Dubai International Basketball Championship sa Al Nasr Club Basketball sa Dubai, United Arab Emirates.

Nanguna si NBA star Dwight Howard na may 12-of-13 shooting para magbuhos ng 32 puntos kasama ang pitong rebounds at limang blocks para banderahan ang Strong Group at pataubin ang koponan Lebanon

Tumulong din si reigning UAAP MVP Kevin Quiambao na nagbuhos ng 19 points habang nagdagdag naman si Gilas naturalized player Andray Blatche ng 18 points.

Mainit din si dating Oklahoma City Thunder forward Andre Roberson na may 13 markers at wa­long rebounds samantalang nagdagdag si McKenzie Moore ng 12 points.

Nakahanay ang Strong Group sa Group B na may malinis na 3-0 record kasama ang Al Ahli-Tripoli na may parehong 3-0 kartada.