-- Advertisements --
Nananatiling wala pang talo ang Strong Group team ng Pilipinas sa nagpapatuloy na 33rd Dubai International Basketball Championship.
Pinakahuling panalo ng koponan ay ng talunin nila ang Lebanon Homenetmen team sa score na 104-95.
Nagtala ang dating NBA player at three-time Defensive Player of the Year na si Dwight Howard na mayroong 32 points, pitong rebounds at limang blocks.
Mayroong 19 points, apat na rebounds at apat na assist naman ang naitala ni UAAP MVP Kevin Quiambao.
Nananatiling nasa unang puwesto ang Pilipinas sa Group B.