-- Advertisements --
Natapos na ang kampanya ng Strong Group Athletics sa 34th Dubai International Basketball Championship.
Ito ay matapos na talunin sila ng Tunisia National team sa score na 68-63 semifinals.
Nahabol pa ng Strong Group ang 16 na kalamangan ng Tunisia hanggang sa huli ay hindi na sila nakalamang pa.
Bumida sa panalo ng Tunisia si forward Radhouane Slimane na nagtala ng 23 points.
Nasayang naman ang nagawang 18 points, 15 rebounds ni DeMarcus Cousins habang mayroong 18 points si Chris McCullough.