Nagkampeon ang Strong Grou Athletics-Pilipinas sa 43rd William Jones Cup.
Nalusutan ng Pilipinas ang Chinese Taipei-A sa pamamagitan ng overtime 83-79.
Sa last quarter ay naipasok ni Kiefer Ravena ang three-points sa natitirang 13.2 seconds para makuha nila ang 73-71 na kalamangan subalit hindi pumayag ang Chinese Taipei at naipasok ang bola sa pamamagitan ni Brandon Gilbeck sa 7.6 segundo at madal sa overtime ang laro.
Pagpasok ng overtime ay naging matindi ang palitan ng depensa hanggang sa nanaig ang Pilipinas sa laro.
Ito ang unang titulo ng Strong Group ng mag-first runner up sila sa Dubai International Championship ng mabigo sila sa Al Riyad sa final.
Tinanghal na most valuable player at kasama sa Mythical Five si Chris McCullough na nagtala rin ng 12 points.
Nanguna sa panalo ng SGA si DJ Fenner na mayroong 15 points, siyam na rebounds at apat na steals habang si RJ Abarrientos ay mayroong 14 points.
Ang Strong Group ay siyang pang-pitong koponan sa Pilipinas na nagkampeon ng Jones Cup na ang huling kampeonato ay noong 2019 na nakuha ng Mighty Sports.