-- Advertisements --

Nais na maiabot sa 100 world records bago magretiro si John Evans.

Ang 74-anyos na si Evans ay tinaguriang strongman ng Derbyshire, England ay mayroon ng 98 na world records kung saan 50 dito ay kinilala ng Guinness.

Isa umanong mangagawa sa building sites si Evans at ito ay determinado at desidido sa mga hinaharap nitong mga challenges.

Huling challenge nito ay ang pag-balanse ng isang Mini car na ipinatong sa kaniyang ulo.

Nakalikom na rin ito ng ilang libong dolyar para sa charity dahil sa mga record na kaniyang ginagawa.