-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Inaresto ng mga personahe ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA-10) at Philippine National Police ang anak ng isang incumbent barangay kapitan sa Zayas,Upper Carmen,Cagayan de Oro City nitong araw.

Ito ay matapos ikinasa ng arresting officers ang anti-buy bust operation dahilan naaresto si Uriel Micabale,28 anyos,binata at kasalukuyang nag-aaral ng pagiging piloto ng eroplano sa Cebu City.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni PDEA-Misamis Oriental Team focal person Adolf de la Cerna na matagal ng nasa listahan nila at PNP ang suspek na umano’y nagsu-suplay ng illegal drugs ng kanyang mga ka-transaksyon nitong lungsod.

Inihayag ni De la Cerna na nakompiska mula sa posisyon ng suspek ang nasa 10 malalaking sachets ng suspected shabu na walang pang estimated market value dahil isinailalim pa ng laboratory processes.

Dagdag ng ahensiya na bagamat hindi nila maiuugnay ang suspek sa una na nang naaresto na dating mayor ng Lanao del Norte sa karatig barangay nitong syudad noong nagdaang mga linggo kahit halos magkatulad sila ng modus operandi ng illegal drugs distribution.