-- Advertisements --

Naidepensa ni Carl Jammes Martin ang kaniyang super bantamweight title laban kay Ronnie Baldonado.

Sa unang dalawang round ay tila naging pabaya ang 22-anyos na si Martin kung saan nakapasok ang mga suntok ni Baldonado.

Napahiga pa ito hanggang tio ay naka-recover at nakuha ang technical knockout wins sa ikalawang round.

Nagwagi rin sa pamamagitan ng TKO si 2016 Olympic boxer Charly Suarez laban kay Tomjune Mangubat para makuha ang bakanteng WBA Asia super featherweight title.

Hindi nagpabaya si Mangubat sa mga unang round subalit pagdating ng ikalawang round ay nakapasok ang mga uppercut at left hook ni Suarez.

Dahil sa tila hindi na makaganti si Mangubat ay pinahinto na ng referee ang laban sa natitirang 0:45 ng round 12.

Dahil sa panalo ay mayroong record na 10 panalo at wala pang talo habang si Mangubat ay mayroong 15 panalo, tatlong talo isang draw na mayroong 12 knockouts.