Mismong si House Minority leader Danilo Suarez na ang kumwestyon sa pahayag ni Davao del Norte Cong. Pantaleon Alvarez hinggil sa umano’y gapangan na nagaganap sa loob ng Kamara para sa posisyon ng susunod na lider ng Lower House.
Ibinato pabalik ni Suarez kay Alvarez ang kung ito ba ay nanuhol din bilang dati itong umupo bilang House Speaker.
“Naging speaker siya namigay ba siya? Eh kasi sinasabi niya na nabibili yung members. Wala kong natanggap noon, hindi ko rin naman siya binoto. Minority ako . Wala, wala naman. I don’t think (na totoo yung vote buying). Nakakasira naman sa House yung sinasabi niya na binibili yung mga boto,†ani Suarez.
Nauna ng nilinaw ng inaakusahang si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na hindi totoo ang paratang ni Alvarez na may tig-P1 milyong pondo ito para sa bawat boto.
Habang tikom pa ang kampo ni Leyte Rep. Martin Romualdez na sinasabing naglaan naman ng tig-P500,000 bilang panliligaw para sa speakership.
Sa kabila nito umaasa si Suarez na mapapanatili ng Kamara ang independence nito mula sa kamay ng iba pang sangay ng pamahalaan.
Gayunpaman, inamin ng mga mambabatas mula sa Makabayan bloc na hindi na bago ang issue ng vote buying para sa House speakership.
This is possible. Most likely may ganyang nangyayari. In the past yung mga naririnig namin na ganyan hindi kalaki yung amounts na involved. Ngayon yung bago, dito talagang usapin na ng P500,000 to P1-million. However hindi dapat manatili lang sa level ng allegations kailangan harapin talaga ng seryoso at kailangang may managot kung kinakailangan,†ani Tinio.