-- Advertisements --
Bukas na muli para sa mga turista ang Subic Bay Freeport.
Ito ay matapos ang ilang buwang pagsasara dahil sa coronavirus pandemic.
Ayon kay Subic Bay Metropolitan Authority administrator Wilma Eisma, na mahalaga ang pagbubukas nila para makabangon ang ilang negosyong matatagpuan sa lugar.
Mula kasi ng magsara sila ng ilang buwan ay maraming mga empleyado doon ang nawalan ng trabaho.
Pinaalalahan din nito ang mga mamamayan na magtutungo sa lugar na mayroon pa rin silang ipapaptupad ng protocols gaya ng pagsuot ng facek mask at face shields.
Bawat establishemnto aniya ay may nakatalagang marshals na nagpapaalala ng pagsasagawa ng social distancing.