-- Advertisements --
Nagpakitang gilas ang kumunistang North Korea sa kanilang bagong armas na submarine-launched ballistic missile sa ginanap na military parade sa Pyongyang.
Ginawa ng NoKor ang pagpapakita ng kanilang mga armas de giyera, anim na araw bago naman ang inagurasyon ng bagong presidente ng Amerika na si Joe Biden.
Sa ulat ng kanilang official KCNA news agency, ang parada ay ginagawa raw isang beses sa loob ng limang taon bilang selebrasyon ng kanilang Workers Party ay upang ipagmalki rin ang pwersa armada.
Ipinalutang din ng North Korea na ang kanilang armas pati mga rockets ay kayang umabot hanggang sa Korean Peninsula at maging sa bahagi ng Japan.