-- Advertisements --

Inaalam na ng mga otoridad sa Indonesia ang kinaroroonan ng kanilang navy submarine matapos na ito ay naiulat na nawawala.

Ang submarine na mayroong laman na 53 katao ay nagsasagawa ng drill sa isla ng Bali ng ito ay hindi na nakabalik at hindi na rin makontak.

Ayon sa military chief ng Indonesia na nagpakalat na sila ng warship sa lugar para mahanap ang KRI Nanggala-420 vessel.

Humingi na rin sila ng tulong sa Australia at Singapore ang Indonesia para mahanap ang nawawalang submarine.