-- Advertisements --

Pinaghahanap na ngayon ng mga otoridad ang nawawalang submarine na may lulan na mga turista sa Atlantic Ocean.

Ang mga turista ay iniikot sa lugar kung saan lumubog ang barkong Titanic.

Kabilang sa mga nakasakay sa submarine na pag-aari ng kumpanyang OceanGate ay ang British billionaire na si Hamish Harding.

Ang nasabing mga bahagi ng barkong Titanic ay makikita sa lalim ng 12,500 ang talampakan sa ilalim ng dagat at matatagpuan sa 600 kilometers ng karagatan ng Newfoundland, Canada.

Humingi ng ang tulong ang kumpanya sa Boston coast guard para agarang mahanap ang submarine.