-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Ukrainian mlitary na kanilang pinalubog ang submarine ng Russia sa pantalan ng Crimea.

Ayon sa Armed Forces ng Ukraine na tinamaan nila ang Rostov-on-Don na submarine ng Russia sa pantala ng Sevastopol.

Agad na umano lumubog ito na maituturing na isang malaking accomplishment ng Ukraine.

Mula pa kasi noong 2014 ay sinakop na ng Russia ang Crimea at ginawa nila itong bahagi ng Russia.

Ang submarine ay may habang 73.8-meter at kayang magdala ng 52 katao.