-- Advertisements --

Kinumpirma ng National Bureau of Investigation na naihatid na nila ang kopya ng subpoena para kay Vice President Sara Duterte sa opisina nito sa lungsod ng Mandaluyong.

Personal na nagtungo ang ilang tauhan ng NBI sa OVP upang imbetahan si Duterte na magpaliwanag.

Ito ay may kaugnayan pa rin sa naging assassination remark ni Duterte laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez.

Iniimbetahan ang bise na magtungo sa NBI-Office of the Director sa darating na Nov. 29, 2024 sa oras alas 9 ng umaga.

Tinanggap naman ng legal office ng Office of the Vice President ang naturang subpoena.