-- Advertisements --
rice store

Inaprubahan ng Commission on Elections (Comelec) ang panawagan ng DSWD na huwag isama ang subsidiya ng rice retailers sa spending ban para sa barangay at SK elections ngayong taon.

Ito ay bisa ng isang memorandum na may petsang Setyembre 11 kung saan pinayagan ni Comelec chairperson Erwin Garcia ang pagpapatuloy ng paglalabas, pamamahagi at paggasta ng public funds may kaugnayan sa tulong pinasiyal ng rice retailers na apektado ng price cap.

Sa kabila nito pinaalalahanan naman ni Garcia ang DSWD hindi dapat ito makaimpluwensiya sa pagsasagawa ng BSKE ngayong taon at sa anumang pamamahagi sa Assistance to Individuals in Crisis Situation mula October 20 hanggang October 30, maliban sa mga tulong na normal ng ibinibigay sa mga kwalipikadong indibidwal.

Hindi rin dapat na mapigilan nito ang pagsasagawa ng preliminary investigation sa mga kaso kung saan nagawa ang ipinagbabawal na gawain sa ilalim ng Omnibus Election Code.