Nakatakdang mag-release ang National Food Authority (NFA) ng subsidized na bigas sa mga targeted na lugar sa buong bansa.
Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Assistant Secretary Mercedita Sombilla, pipiliin pa nila ang mga lugar na bibigyan ng buffer stock na bigas.
Sa ialim ng Rice Liberalization Act, ang mandato ng NFA ay binawasan at inatasan na lamang sa pagtitiyak na ang Pilipinas ay mayroong sapat na supply ng buffer stock ng bigas.
Nakasaad din sa bagong batas na ito na ang buffer stocks ay ipapamahagi lamang sa mga lugar na maapektuhan ng kalamidad.
Pero may limitasyon lang din kung hanggang kailan maaring itago ng NFA ang hawak na buffer stock.
Sa oras na mai-release na ang mga ito sa mga pamilihan bilang commercial rice, ang magiging presyo na lamang nito ay nasa P27 kada kilo na lamang.