-- Advertisements --

Higit sa doble ang itataas sa arawang subsistence allowance ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ilalim ng 2025 national budget.

Ito ang inanunsiyo ni House Speaker Martin Romualdez ng bisitahin nito ang mga sundalo sa Naval Operating Base sa Subic, Zambales kaninang umaga.

Sa talumpati ni Speaker Romualdez kaniyang sinabi sa mga sundalo na ang House of Representatives ay naglaan ng P15 billion package na magtataas ng higit sa doble mula sa kanilang P150 subsistence allowance sa P350.00.

Binigyang-diin ni Romualdez, deserved ng mga sundalo na taasan ang subsistence allowance ng mga sundalo lalo at hindi matatawaran nilang serbisyo sa bayan.

Ayon kay Speaker ang nasabing hakbang na taasan ang subsistence allowance ng mga sundalo ay isang matatag na commitment ng Kamara na tiyakin at pangalagaan ang kapakanan ng mga sundalo.

Dagdag pa ng lider ng Kamara na obligasyon ng gobyerno na siguraduhin na sapat ang kakayahan ng militar para ipagtanggol ang ating bayan.

Giit ni Romualdez na para sa kaniya mahalaga ang kapakanan ng mga sundalo, dahil ang mga ito ang pinakamahalagang component ng ating national defense.

Samantala, muling tiniyak ni Speaker Romualdez ang suporta nito sa AFP lalo na sa pagbibigay ng sapat na pondo para makatulong sa kanilang modernization program at maipatupad ang kanilang mandato na protektahan ang soberenya at dpensahan ang teritoryo ng bansa.

Pinasalamatan naman ni Speaker ang mga tauhan ng Philippine Navy sa pagiging “vanguards” ng Philippine Maritime Security.