Aprubado na ng House Committee on Energy ang substitute bill na naglalayong i-promote ang development Philippine downstream natural gas industry.
Layon nito na pagsamahin ang mga panukalang batas na may kaugnayan sa transmission, distribution, at supply of natural gas at ang paglalaan ng pondo dito.
Nasa 11 panukalang batas ang kinonsolidate para sa substitute bill.
Para naman kay Committee on Energy Vice Chair Rep. Rodante Marcoleta (Party-list, SAGIP), na siyang head ng technical working group (TWG) na bumuo sa substitute bill, na ang nasabing panukala ay produkto ng “extensive, thorough and open-minded deliberations,” na naka base sa HB 17 ni Speaker Romualdez at HB 29 ni Rep. Velasco.
Ang panukalang “Philippine Downstream Natural Gas Industry Development Act” layon i promote ang natural gas bilang ligtas, environment-friendly, efficient ay cost-effective source of energy at isang competitive contributor sa grid security.
Layon din nito ipromote ang natural gas bilang energy fuel para makamit ang pagtaas ng local demand for fuel, at i develop ang Pilipinas bilang Liquefied Natural Gas (LNG) trading and transshipment hub sa Asia-Pacific.