-- Advertisements --

VIGAN CITY – Matagumpay na naisagawa ngayong araw ang Dugong Bombo New Normal Blood Letting Activity sa bayan ng Bantay dito sa lalawigan ng Ilocos Sur.

Ang nasabing bloodletting activity ay sa pamamagitan ng pagtutulongan ng Provincial Government of Ilocos Sur, Provincial Health Office, Alpha Kappa RHO fraternity at Bombo Radyo Vigan.

Aabot sa 69 ang successful blood donors na nakilahok mula sa iba’t- ibang fraternity at grupo ng mga riders.

Sa kabuuan, 1,159 na ang successful blood donors ng Bombo Radyo Vigan mula noong buwan ng Enero ng kasalukuyang taon.