-- Advertisements --
VIGAN CITY – Muling sinurportahan ng mga residente sa iba’t-ibang barangay sa Sta. Lucia, Ilocos Sur ang isinagawang Dugong Bombo New Normal Blood Letting Activity.
Maliban sa mga residente ay lumahok din sa nasabing aktibidad ang mga miyembro ng fraternity tulad ng United Ilocandia.
Hindi hadlang sa mga tao ang patuloy na epekto ng habagat sa nasabing bayan at habang nasa General Community Quarantine heightened restriction.
62 ang matagumpay na naka pagdonate ng dugong kung saan ang mga ito ay nakatanggap ng limited edition facemask na mayroong markang I’m Dugong Bombo donor.
Sa ngayon, 1,036 na ang successful blood donors ng Bombo Radyo Vigan mula noong buwan ng Enero at nagpapatuloy sa mga susunod na araw.