-- Advertisements --
VIGAN CITY – Aabot na sa 800 successful blood donors ang mga nakibahagi sa New Normal Blood Letting Acitivity ng Bombo Radyo Vigan.
Hindi inalintana ng mga tao ang pangamba sa COVID-19 at habagat sa lalawigan kung saan naisagawa ang nasabing aktibidad sa bayan ng Narvacan.
Sa pakikipagtulungan ng Provincial Health Office, Ilocos Sur Provincial Hospital Gabriela Silang at sa lokal na pamahalaan ng Narvacan naging matagumpay ang blood letting acitivity kung saan 65 ang naging succesfull blood donors.
Namahagi ng limited edition facemask ang Bombo Radyo sa mga taong matagumpay na blood donors bilang pasasalamat sa kanilang kabayanihan.
Sa ngayon mayroon ng 785 successful blood donors ang nakilahok sa Dugong Bombo mula noong buwan ng Enero.