Inatasan ngayon ng Commission on Higher Education (CHED) ang lahat ng mga state universities and colleges (SUCs) at mga local universities and colleges (LUCs) na ilipat na sa Agosto ang pagsisimula ng Academic Year 2019-2020.
Ang nasabing memorandum, na may petsang Abril 5, ay inisyu ni CHED Chairman Prospero “Popoy†de Vera Jr. sa mga opisyal ng CHED at sa mga pinuno ng SUCs and LUCs.
Batay dito, inaatasan ang lahat ng mga paaralan na i-synchronize sa Fiscal Year ang kani-kanilang mga Academic Years simula sa FY 2019.
Sang-ayon din umano ang nasabing hakbang sa mga probisyon ng Republic Act 7722, na kilala rin bilang Higher Education Act of 1994, at sa Commission En Banc (CEB) Resolution No. 142-2019.
Hinihikayat din ng memorandum ang mga SUCs at LUCs na palitan ang kanilang mga school calendar upang mapabilis ang cash-based budgeting na isinusulong ng Department of Budget and Management (DBM).
Gayunman, nilinaw ni De Vera na maaaring hindi muna agad-agad na tumalima rito ang mga paaralan at puwede nila itong gawin kung kailan sila handa.