-- Advertisements --
Nagpaliwanag si Sudan’s coup leader General Abdel Fattah al-Burhan na kaya isinagawa nila ang pag-agaw sa gobyerno ay para maiwasan ang “civil war”.
Sinabi nito na nasa ligtas na lugar si Prime Minister Abdalla Hamdok kung saan ito ay nakabalik na sa kaniyang bahay.
Makakabalik aniya sa kaniyang bahay ang prime minister kapag bumuti na ang kalagayan ng bansang Sudan.
Magugunitang nasa 10 katao na ang nasawi at marami ang nasugatan matapos ang pagsiklab ng kilos protesta mula ng tanggalin ni Gen. Burhan ang civilian rule at pag-aresto sa mga political leaders.