-- Advertisements --
Sinalubong nang pagbubunyi ng mamamayan ng Sudan ang anunsiyo ng ruling military council na nagkasundo na sila ng opposition coalition.
Batay sa deal, magkakaroon ng three-year transitional period ang military council at opposition leaders.
Ang bubuuin na power-sharing deal ay kinabibilangan ng pagtalaga ng anim na sibilyan at lima namang generals.
Tinanggap naman ng mamamayan na isang magandang pangyayari ang declaration deal dahil ilang buwan na ring puno ng tensiyon ang naturang bansa dahil sa kabi-kabila na mga protesta.
Unang sumiklab ang mga rally noong Disyembre nang magpatupad ng emergency measures si President Omar al-Bashir.
Pero noong Abril naman ay kumilos na ang militar at pinatalsik si al-Bashir.