Buong loob nang naghahanda na makipag-usap muli ang military chief ng Sudan na si Lieutenant General Abdel Fattah al-Burhan patungkol sa demokrasiya ng bansa matapos pumalo sa 60 katao ang nasawi sa nagaganap na kaguluhan sa Khartoum.
Ito ay isang araw matapos niyang isantabi lahat ng napagkasunduan nito at ng oposisyon.
Sa mensaheng ni Burhan para sa Eid al-Fitr, binigyang pansin nito ang malagim na pangyayari sa kanyang bansa na nagsimula noong Disyembre na nag-uwi sa pagka-aresto kay President Omar al-Bashir noong Abril.
“We in the military council, extend our hands to negotiations without shackles except the interests of the homeland,†ani Burhan.
Una nang inanunsyo ni Burhan na hindi niya sisiputin ang kahit anong negosasyon kasama ang ang mga grupo na nagpoprotesta.