Matapos ang ilang buwang pagpoprotesta ng mga aktibistang mamamayan sa Sudan ay tuluyan nang inanunsyo ng Military Transitional Council ang pagpapatalsik sa pwesto kay Sudan President Omar al-Bashir.
Ito ay kasunod ng paghihiwalay nito ng ilang units ng military matapos ilipat ang ilan upang protektahan ang anti-government protesters sa Khartoum.
Namuno si Bashir sa Sudan sa loob ng tatlong dekada at ngayon ay inaakusahan ito ng International Crime Court sa salang war crimes at genocide.
Sa ngayon ay naka house-arrest si Bashir at tinanggal na rin sa posisyon ang personal guard nito.
Smantala, patuloy pa rin ang gulo sa pagitan ng Libyan forces at hukbong tapat sa gobyerno ng Tripoli kung saan 56 na katao na ang kumpirmadong namatay ayon sa pahayag na inilabas ng United Nation World Health Organization.
Kasama umano sa mga namatay ay dalawang doktor at isang drayber ng ambulansya ngunit hindi nito tinukoy kung ang iba pang nasawi at sibilyan o militar.