-- Advertisements --
Nagbitiw na sa pwesto si Sudan Prime Minister Abdalla Hamdok matapos mabigong maibalik ang democratic rule sa gitna ng political crisis at mass protest.
Libu-libong Sudanese ang nagpoprotesta laban sa power sharing agreement ng PM sa militar na naglunsad ng coup deta’t noong Oktubre.
Ipinaglalaban ng mga ito na maibalik ang kapangyarihan sa mamamayan ng Sudan gayundin ang full civilian rule subalit muling naglunsad ng violent crackdown ang military forces na nagresulta ng pagkamatay ng dalawang katao.
Dahil sa pagbibitiw ni Hamdok, nasa full control na ngayon ng military ang Sudan government.