-- Advertisements --
Kinumpirma ng actress na si Sue Ramirez ang paghihiwalay nila ng nobyong si Joao Constancia.
Sinabi ng actress na matapos ang dalawang taon nilang relasyon ng BoybandPH member ay nagdesisyon na silang maghiwalay.
Paglilinaw nito na walang anumang third party na namagitan sa kanilang paghihiwalay.
Hindi na nito ibinunyag ang dahilan ng kanilang hiwalayan at sinabi na na lamang na marami silang pagkakaiba.
Masaya naman ito dahil mananatili pa rin silang magkaibigan ng dating nobyo.