-- Advertisements --

Pansamantalang ipinasara ng Egypt ang Suez Canal dahil sa pagbara ng giant containers.

Nahihirapan kasi ang mga otoridad na matanggal ang MV Ever Green kaya nagdesisyon sila na ipasara pansamantala ang tinaguriang ‘world busiest shipping lanes.

Dahi sa pagsasara ay napilitang maghanap ng ibang ruta ang mga barko.

Humingi na rin ng paumanhin ang may-ari ng 1,300 foot na haba na vessel dahil sa hirap silang makagalaw matapos na mabalahaw.

Gumamit na sila ng mga tug boats, dredgers at mga heav earth-moving equipment para matanggal ang nasabing barko subalit hindi pa nila ito natatanggal.

Nananatiling ligtas naman ang nasa 25 crew ng cargo vessels.