-- Advertisements --

Sinimulan na ni BTS member Suga ang kaniyang mandatory military service.

Siya na ang pangatlong miyembro ng BTS na pumasok sa military service.

Sa kaniyang social media account ay namaalam ito sa mga fans at sinabing magkikita sila sa 2025 kapag natapos na ang military service.

Hindi gaya ng kaniyang kasama na sina J-Hope at Jin, si Suga ay hindi kaya ang kalusugan na mag-combat duty kaya magsisilbi muna ito bilang social service agent.

Nasa batas kasi ng South Kore na lahat ng mga kalalakihan na hindi lalagpas ng 30-anyos ay dapat sumailalim ng dalawang taon na military service.

Nanawagan naman sa mga fans ang agency na may hawak sa grupo na dapat ay huwag na silang istorbohin gaya ng pagpapadala ng mga bulaklak at ilang mga regalo sa military camp.