ILOILO CITY – Itinutulak ng mga sugar cane farmers sa Iloilo ang pagpapatigil sa pag-export ng asukal sa Estados Unidos.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Steven Chan, presidente ng Central Azucarera de San Antonio Incorporated, sinabi nito na hindi obligasyon ng mga sugar cane producers ang pag-export ng asukal para sa kontrobersyal na US Quota Allocation.
Ayon kay Chan, matagal na nilang naiparating sa Sugar Regulatory Administration ang kanilang hinaing ngunit hindi binibigyan ng pansin.
Sinabi ni Chan na lugi ang mga local sugar cane producers dahil P1,100 lang ang halaga ng bawat sako ng asukal na mas mababa sa domestic price na P1,500.
Nakahanda naman si Chan na humarap sa Kongreso o kay Pangulong Rodrigo Duterte upang maiparating ang kanilang hinaing.